Mocha Uson, nagbitiw na bilang PCOO assistant secretary

by Radyo La Verdad | October 3, 2018 (Wednesday) | 3756

Humarap ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Senado kaugnay ng pagdinig sa kanilang budget sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 1.4 bilyong piso.

Sa kalagitnaan ng pagdinig ay inihayag ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto.

Ayon kay Uson, babalik siya bilang blogger na sumusuporta kay Pangulong Duterte. Mas maigting umano ang kaniyang magiging pagbanat sa mga kritiko.

Ang pagbibitiw sa pwesto ni Uson ay wala umanong kinalaman sa patuloy na kritisismo sa kaniya sa kontrobersyal na federalism campaign video at sign language video.

Wala namang direktang sagot si Uson kung may kinalaman ang kaniyang resignation sa umano’y pagtakbo niya bilang senador sa darating na eleksyon.

Ayon kay Senator Joseph Victor Ejercito, mas mabuti na rin na ginawa ito ni Asec. Mocha.

Ayon naman kay Special Assistant to the President Bong Go, tinatanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Uson.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,