Mobile radio station ng National Youth Commission, inilunsad na

by Erika Endraca | May 6, 2021 (Thursday) | 2871

METRO MANILA – Pormal nang sumahimpapawid ang 87.9 NYC FM nitong Martes na naglalayong mapakinggan ang boses ng mga kabataang Pilipino.

Layunin din ng National Youth Commission na makapaglunsad sa naturang istasyon ng mga programa para sa social development ng mga kabataan.

Magsisilbi rin itong training ground ng mga kabataang nagnanais na pasukin ang larangan ng pamamahayag ayon kay NYC Chairperson Ryan Enriquez.

Dagdag pa niya, magiging sumbungan din ng mga kabataan ang platapormang ito hinggil sa mga katiwalian sa komunidad at recruitment ng mga rebeldeng grupo.

Kaya naman kasabay din ng inagurasyon ang manifesto signing para sa adbokasiya ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na Kilusang Kabataan Kontra Katiwalian.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,