Mobile app para sa karapatan ng mga pulis at ng publiko, inilunsad ng PNP

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 6448

Naglunsad ng ” Know Your Rights ” mobile application ang PNP Human Rights Affairs Office na naglalaman ng iba’t-ibang karapatang pantao .

Ayon kay HRAO Director, PCSupt. Dennis Siervo, layon nito na gabayan ang mga pulis sa pagpapatupad ng batas at ipaalam sa publiko ang kanilang mga karapatan.

Laman ng app ang Miranda Doctrine na nakasalin sa iba’t-ibang lenguwahe kabilang ang Chinese, Japanese, Korean at Taiwanese na maaaring iplay ng mga pulis.

Mayroon rin itong advisories ng PNP sa warrant of arrest, advisory on the conduct of custodial investigation, anti-torture app, at iba pang mga karapatan ng inaaresto.

Maaari ring magpadala ng mensahe sa PNP ang publiko gamit ang app sakaling may mga reklamo sa human rights.

Maaaring nang i-download sa google store sa ng lahat ng android phone ang ” Know Your Human Rights App “.

Tags: , ,