Ginawa na ng Metropolitan Manila Development ang lahat ng paghahanda para sa tag-ulan.
Gayunman, sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na hindi pa nila matiyak kung sapat ang mga ito hangga’t hindi nasusubukan.
Tiniyak naman ni Chairman Carlos na gumagana na ang mga inap-grade na pumping stations na siyang gagamitin nila kontra baha oras na bumuhos na ang malalakas na ulan.
Hinikat din ng MMDA ang mga Local Government Unit na magsagawa ng sariling paghahanda para sa kanilang mga residente.
Tags: ang tag-ulan, MMDA