Nanawagan sa publiko ang Metropolitan Manila Development Authority na makiisa sa isasagawang ikalawang metro wide shake drill ngayong araw.
Mahalaga anilang mabigyan ng ideya ang publiko kung ano ang dapat gawin sakaling tumama sa bansa ang isang malakas na lindol upang maiwasan na magkaroon ng maraming casualty.
Kagaya noong nakaraang taon, alas nuebe ng umaga sabayang mapapakinggan ang malakas na tunog o sirena sa buong Metro Manila.
Hudyat ng pagsisimula ng shake drill kung saan dapat na mag-duck, cover and hold ang publiko bago lumikas patungo sa mga itinalagang evacuation sites.
Ang mga aabutan naman ng shake drill sa kalsada ay dapat na tumigil sa loob ng isang minuto maliban na sa mga tunnel o ilalim ng flyover dahil sa posibilidad ng pagguho ng mga ito.
(UNTV RADIO)
Tags: Metro-wide shake drill