MMDA, nagpaalala sa publiko sa isasagawang ika-2 nationwide simultaneous quake drill sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | May 16, 2016 (Monday) | 3128

EARTHQUAKE DRILL
Muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at nanawagan sa ating mga kababayan na makiisa sa isasagawang ikalawang nationwide simultaneous earthquake drill sa June 22.

Sa ngayon ay nakikipag usap na ang MMDA sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at maging sa mga mall owner sa magiging papel ng mga ito sa isasagawang drill bilang paghahanda sa 7.5 magnitude na lindol na posibleng tumama sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan

Samantala, sinabi naman ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Director Renato Solidum na isa sa mga kailangang matutukan ang debriefing sa mga participant na nag-ipon sa mga eveacuation centers.

Ito umano ay isa sa mga bagay na hindi nagawa noong nakaraang quake drill.

(UNTV NEWS)

Tags: