MMDA, naghahanda na sa mga pagbaha sa pagpasok ng tag-ulan

by Radyo La Verdad | May 19, 2016 (Thursday) | 1577

mmda-logo
Natukoy na ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga lugar sa Metro Manila na madalas bahain kung tag-ulan kaya naman puspusan na ang ginagawang paghahanda ng ahensiya.

Nagsasagawa na ang MMDA ng paglilinis sa mga estero sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na kadalasang sanhi ng mga pagbaha.

Ang mga pumping station in-upgrade upang mas lumaki ang kapasidad nito.

Nagsagsawa rin ng dredging ang ilang lokal na pamahalaan sa mga ilog.

Inayos na rin ng MMDA ang mga pangunahing lansagan na madalas na binabaha.

Ayon sa MMDA, below sea level ang Metro Manila kaya madaling bahain at makatutulong ang paglilinis sa mga estero at water ways sa mga pumping station upang maibsan ang mga pagbaha.

Bagamat aminadong hindi sila isang daang porsyentong nakahanda, tiniyak ng MMDA na patuloy ang ginagawa nilang mga hakbang upang unti-unting mabawasan ang mga pagbaha sa kalakhang Maynila.

Ayon sa MMDA walang ibang dapat sisihin sa mga pagbaha sa Metro Manila kundi ang mga kababayan nating walang habas na nagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig kung matutulungan lamang ang lahat ay pwedeng mabawasan ang mga pagbaha kundi man tuluyang maiwasan.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,