MMDA, magsasagawa ng dry run para sa no window hours number coding scheme sa EDSA at C-5

by Radyo La Verdad | October 10, 2016 (Monday) | 1679

mmda-logo
Magsasagawa ng dalawang araw na dry run ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa ipatutupad na ‘no window hours’ sa number coding scheme sa EDSA at C-5.

Itinakda ito sa October 27 hanggang 28.

Ayon sa MMDA, hindi pa papatawan ng parusa ang mga motoristang lalabag sa bagong regulasyon at sa halip ay babalaan lamang ang mga ito.

Magiging epektibo ang no window hours mula ala-siyete ng umaga hanggang ala-siyete ng gabi sa Nobyembre hanggang Enero ng susunod ng susunod na taon.

Gayunpaman maaring gamitin ng mga motorista na sakop ng window hours ang mga side streets o tumawid sa EDSA.

Inaasahan na dalawampung porsiyento ng dami ng mga sasakyan ang mababawas sa EDSA at C-5 kapag ipinatupad ang no window scheme.

Tags: , , ,