MMDA magpapatupad ng Stop and Go shceme sa Edsa at SLEX para sa SEA Games

by Erika Endraca | November 27, 2019 (Wednesday) | 14866

METRO MANILA – Nagpaalala muli ang Metro Manila Develpment Authority (MMDA) na magpapatupad sila ng Stop and Go scheme sa Edsa at South Luzon Express Way (SLEX).

Simula sa November 30 hanggang December 11 pahihintuin ng MMDA ang mga sasakyan Edsa at SLEX kapag daaan ang mga delegado ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa Edsa South Bound ipapatupad ang Stop and Go scheme mula Balintawak hanggang Boni Serrano.
Pahihintuin rin ang mga sasakyan sa Buendia, Ayala, Magallanes at Roxas Boulevard.

Para sa naman sa Edsa Northbound ahasan ang Stop and Go scheme mula Taft Avenue hanggang Santolan. Gayundin sa SM North Edsa, Muñoz hanggang Balintawak. At sa mga babaybay ng SLEX Northbound pahihintuin rin ang mga sasakyan sa Mindanao Avenue papuntang North Avenue hanggang NLEX.

Gayundin sa Roxas Boulevard Corner Buendia, P. Ocampo, at P. Burgos. Kasama ang Taft Avenue Corner P. Ocampo, Adriatico Rizal Memorial Stadium Complex Area, Quirino Corner Adriatico, Shaw Boulevard Corner Pioneer, N. Domingo-Filoil at lawton Avenue Corner Bayani.

(GRACE CASIN | UNTV News)

Tags: , ,