MMDA magpapatupad ng “Stop and Go” scheme sa Edsa sa darating na Sea Games

by Erika Endraca | October 24, 2019 (Thursday) | 3836

METRO MANILA, Philippines – Magpapatupad ng “Stop and Go” scheme sa Edsa at ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila Ang Metropolitan Manila Development Authority MMDA kasabay ng Southeast Asian (SEA) Games.

Magiging epektibo ito mula November 30 hanggang December 6.Layon ng hakbang na mapadali ang biyahe ng mga atleta at delagado ng Sea Games sa mga venue ng palaro. Walang road closure o one-way traffic scheme na ipatutupad sa Metro Manila sa Sea Games maliban sa Adriatico Street at P. Ocampo Street sa Maynila.

Ayon sa tagapagsalita ng MMDA hindi guguluhin ang regular na traffic kundi patitigilin lamang ang mga motorista kapag dumaan ang convoy ng mga atleta at pagkatapos ay balik normal na ang sitwasyon.

Nasa 15 venue sa Metro Manila ang pagdarausan ng mga palaro sa Sea Games at 20 hotel ang tutuluyan ng mga atleta at kinatawan mula sa ibang mga bansa sa Southeast Asia. Iminungkahi naman ng MMDA na suspendihin ang klase sa mga paaralan malapit sa venue mula December 2 hanggang 6.

Tags: ,