MMDA, magpapatupad ng ilang traffic scheme upang mapagaan ang trapiko sa Metro Manila

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 3612

Magpapatupad ng moratorium ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA  upang mapagaan ang trapiko sa metro manila  ngayong holiday season.

Ayon sa MMDA, inaasahang tataas  ng sampu hanggang labinlimang porsyento ang volume ng mga sasakyan sa Edsa pagpasok ng “ber” months.

Dahil dito bukod sa moratorium sa road repair at daytime delivery ban. Magsasagawa din ng adjustment ang MMDA sa operating hours ng mga mall.

Samantala, sinabi  ng MMDA na exempted sa daytime delivery ban ang perishable goods o mga produktong madaling masira.

 

 

Tags: , ,