Planong maglagay ng mga drop off at pick up point ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga eskwelahan na malapit sa mga pinaka abalang lansangan sa Metro Manila.
Ipoprovide ng mga eskwelahan ang shuttle service na siya namang susundo sa mga estudyante at empleyado na maghihintay sa mga itinalagang pick up at drop off point ng MMDA.
Layon nito na ma-decongest ang trapiko sa mga naturang lugar at mabawasan rin ang mga pribadong sasakyan na naghahatid ng mga estudyante sa mga eskwelahan.
Natukoy ng MMDA ang mga eskwelahan na dapat malagyan ng drop off at pick up point.
Ilan dito ay ang Ateneo de Manila University, Miriam Collge at De La Salle Greenhills.
Sa datos ng MMDA, tumataas ng 20% ang volume ng traffic kapag pasukan, partikular sa oras ng 5:30am to 8am at 3pm to 7pm.
Ayon sa MMDA susubukan muna nila ito sa Ateneo de Manila University.
Kanina ay nagpirmahan ng memorandum of agreement ang MMDA at Ateneo upang maipatupad ang pick up at drop off point malapit sa kanilang eskwelahan.
Magkakaroon ng tatlong transport hub malapit sa Ateneo, ang temple drive at UP Ayala Techno Hub sa Quezon City at SM Marikina.
Sa mga naturang lugar na ito pwedeng ihatid ang mga estudyante ng Ateneo.
Bukas ay magsasagawa ng trial ang Ateneo sa bagong sistema.
Nauna ng naitala ng MMDA na mayroong limang libong private cars ang pumapasok sa Ateneo tuwing rush hour.
Luluwag ang trapiko sa kahabaan ng Katipunan Avenue kapag ganap ng naipatupad ang drop off at pick up point sa naturang eskwelahan.
Mahigpit naman ang MMDA ang no parking policy sa gilid ng mga eskwelahan habang wala pang drop off at pick up point na ipinapatupad sa mga ito.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: drop off at pick up point, Metro Manila, mga eskwelahan, MMDA