MMDA, inilatag ang iba’t-ibang senaryo para sa Metro-wide Earthquake drill

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 1300

mmda-logo
Iba’t-ibang senaryo ang makikita sa darating na Metrowide Earthquake Drill sa susunod na linggo.

Mahahati sa apat na quadrant ang buong Metro Manila, north, east, south at west quadrant.

Kabilang rin ang Cavite, Rizal at Bulacan sa makikiisa sa earthquake drill.

Nadagdagan ang mga senaryo ngayong taon.

Kabilang dito ang senaryo na madidiskaril ang isang tren ng LRT Line 1 sa Central Station.

Isa pang senaryo ay ang pagguho ng Guadalupe bridge na isa sa main gate way patungo sa south.

Guguho rin ang gusali ng mmda kung kaya’t mapipilitang ilipat ang command center sakaling mayroong lindol.

Magkakaroon din ng mass casualty incident sa buong Baseco compound sa Maynila.

Mahigit labing anim na libo naman ang makikiisa sa isasagawang senaryo nag pagguho ng mga gusali sa Eastwood.

Senaryo naman ng looting o nakawan sa mga mall matapos ang isang malakas n lindol ang gagawin sa mga sm mall.

Naglabas naman ng memo ang LTFRB na lahat ng mga jeep at bus ay bubusina ng alas nueve ng umaga sa June 22 bilang hudyat ng pagsisimula ng drill.

Hinikayat naman ng MMDA ang iba pang malalaking organisasyon at kumpanya na maaari ding gumawa ng kanilang sariliing senaryo.

Maging ang bawat pamilya hinikayat na makiisa sa drill.

Hinikayat rin ng mmda ang ibang probinsya na makiisa sa earthquake drill sa susunod na linggo.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,