Simula sa March twenty-five ay magkakaroon na ng 30 minutes heat stroke break ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o M-M-D-A na naka-duty sa mga lansangan.
Ito ay upang mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang mga ito na maghapong bilad sa init ng araw
Gagawing shifting ang heat stroke break ng mga tauhan ng MMDA mula alas onse ng umaga hanggang alas tres ng hapon upang hindi maapektuhan ang kanilang traffic management duties.
Ngunit ayon sa pamunuan ng MMDA, dapat ay nasa malapit lamang ang MMDA officer sa kanyang area of responsibility habang nasa heat stroke break.
Tags: 30 min-heat stroke-break, Mar. 25, MMDA field officers