Ipinatatanggal ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang kanyang sarili sa listahan ng mga tatakbong senador sa ilalim ng Liberal Party sa 2016 elections bunsod ng mga kritisismong natanggap sa nangyaring insidente ng playgirls sa Laguna.
Itinatanggi pa rin ni Tolentino na siya ang may dala sa mga babaeng sangkot sa “twerking incident “. Anya, ang kasalan nya ay ang hindi pagpigil sa pagsasayaw ng mga babae dahil sya ang pinakamataas na opisyal sa pagpupulong na iyon. Humihingi naman ng tawad si Tolentino sa grupo ng mga kakakabihan sa nangyaring insidente.
Matatandaan na nangyari ang “twerking incident” noong October 1 pagkatapos ng oath taking ng walumpong bagong miyembro ng Liberal Party sa Laguna at di umanoy birthday gift ni Tolentino ang playgirls kay Laguna 4th District Representative Benjamin Agarao.
Samantala, nagfile naman ng reklamo sa ombudsman ang grupo ng mga manggagawa dahil lumabag umano si Tolentino sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at sa Magna Carta for Women.
Tags: Francis Tolentino, MMDA Chairman Francis Tolentino, senatorial race 2016