MMDA Chairman Francis Tolentino, hindi tatanggalin sa pwesto ni Pangulong Aquino- Malacanang

by Radyo La Verdad | September 7, 2015 (Monday) | 1292

nel_mmda
Aabot na sa halos anim na libo ang nagpepetisyon na mga netizen sa isang website para sa pagbibitiw ni Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino.

Ang panawagan ay bunsod ng matagal nang problema sa trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila partikular na sa Edsa na hindi masolusyunan ni Tolentino.

Ayon naman sa Malakanyang, walang plano si Pangulong Aquino na tanggalin sa pwesto ang MMDA Chairman dahil lamang sa isyung ito.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, si Tolentino mismo ang nagpanakula na ang PNP-HPG ang mangasiwa sa pagpapatupad ng batas trapiko sa Edsa katulong ang mga tauhan ng MMDA.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)