Hindi manghuhuli ng motorista ang Metro Manila Development Authority (MMDA) bunsod ng “no registration, no travel” policy ng Land Transportation Office na pinasimulang ipatupad ngayong araw.
Ipinahayag ni MMDA chairperson Francis Tolentino na labag sa Saligang Batas at hindi napapanahon ang kautusan dahil sa pagsapit ng long holiday.
Giit ni Tolentino na hindi kasalanan ng isang motorista kung wala pa itong bagong isyu na plaka dahil hindi ito nabigyan ng kanyang car dealer. Aniya, ang dapat hulihin ay ang mga motorista na wala talagang plaka dahil may intensyon itong gumawa ng masama
Nanawagan si Tolentino sa LTO na irekonsidera ang naturang kautusan dahil maraming motorista ang mahihirapan sa kanilang pagluwas paalis ng Metro Manila.
Tags: Francis Tolentino, LTO, MMDA, no plate - no travel policy