MMDA at isang transportation app, magtutulungan upang mapaiksi ang oras ng biyahe ng mga motorista

by Radyo La Verdad | November 3, 2016 (Thursday) | 1029

mmda-logo
Nakipag tie-up ang MMDA sa transportation app na Waze upang matulungan ang mga motorista at mga commuter na mapabilis ang kanilang travel time sa Metro Manila.

Sa pamamagitan ng partnership, maaaring makakuha ng real-time na impormasyon ang mga motorista kung saang kalsada ang maluwag;

Kung may baha, road closure o kaya’y aksidente sa isang lugar sa tulong ng connected citizens program ng Waze.

Napapanahon ang naturang tie-up lalo’t hinahanapan ng solusyon ng pamahalaan ang problema sa mabigat na traffic sa Metro Manila.

Kahapon lamang ay ipinatupad ang expanded na number coding scheme na nakapagtala umano ng kabawasan sa travel time ng mga motorista, lalo na sa bahagi ng EDSA.

Ang MMDA ang kaunaunahang goverment agency na nakipag partner sa Waze na mayroong mahigit isang milyong Filipino users bawat araw.

Noong 2015 ay pumapangalawa ang Metro Manila sa tala ng Waze na pinaka-traffic na lugar sa buong mundo.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,