METRO MANILA – Pinag-aaralan pa ng Metro Manila Council (MMC) ang mga hakbang na dapat gawin sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa ilang mga lugar sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay San Juan Mayor at Metro Manila Council President Francis Zamora, mananatiling boluntaryo ang pagsusuot ng face mask kahit ilang mga lugar na sa Metro Manila ang nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na Linggo.
Dagdag pa ni Mayor Zamora, patuloy ang pagpupulong ng konseho para pag-usapan ang mga nararapat na hakbang upang mapigilan ang lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nagpaalala naman ang Department of Health (DOH), na tayahin ang sarili at maging maingat sa pakikisalamuha lalo na ngayong holiday season.