Miyembro ng Buratong Drug Syndicate, arestado sa buy bust operation ng PDEA at PNP

by Radyo La Verdad | July 3, 2018 (Tuesday) | 4524

Arestado sa isinagawang buy bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO, Pasig City Police at Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) kaninang madaling araw si Haimen Rangaig.

Ayon sa mga otoridad, miyembro ng Buratong Drug Syndicate ang suspek. Nakuha sa kaniya ang dalawang daang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, ang pagkakaaresto kay Rangaig ay patunay na aktibo pa rin ang naturang drug syndicate kahit nakakulong na ang lider nito na si Amin Buratong.

Samantala, dahil sa sumbong ng isang concerned citizen naarestado ng mga pulis ang tatlong lalaking ito dahil sa paggamit ng iligal na droga sa iang drug den sa may Parola Compound Tondo, Maynila kagabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Gregorio Bacunawa, Jerry Bacunawa, at Ronaldo Silvestre. Nakuhanan pa ng video ang shabu session ng mga ito.

Kasama sa mga nahuli ang isang truck driver. Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Mahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang mga naaerstong suspek.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,