Mitsubishi Montero Sport, nakatakda nang sumailalim sa pagsusuri ng 3rd party investigator

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 3394

Sudden-Unintended-Acceleration
Uumpisahan na sa susunod na linggo ng Department of Trade and Industry ang pag-iimbestiga o pagsusuri ng 3rd party sa kaso ng Sudden Unintended Acceleration o SUA ng mga Mitsubishi Montero Sports.

Ayon kay Trade USec Vic Dimagiba, magkakaroon na ng bidding sa Marso para sa laboratoryo sa ibang bansa na gagawa ng pag-iimbestiga.

Magpapadala ng 5 unit ng behikulo na 2011 hanggang 2015 model.

Dadaan sa full vehicle at component test ang mga sasakyan upang mapatunayan kung tama o hindi ang umano’y Sudden Unintended Acceleration o SUA ng Montero SUV nainerereklamo ng mga may-ari nito.

Isa ang unit ni Johny Ko, na modelo noong 2011 sa mga sasakyang susuriin.

Bago pa aniya humantong sa SUA ang kanyang sasakyan ay may nararamdaman na itong kakaiba ngunit hindi matukoy sa casa ng Mitsubishi.

Gagastos ang DTI ng P9M para sa pagsusuri.

Kung mapatunayan ang mga alegasyon ay maaaring kumpiskahin ang mga behikulo, ipagbawal ang pagbebenta o i-recall ang mga units.

Sa ngayon ay mahigit sa 9,400 na ng Montero SUV nadumaan sa free checkup.

Mula 2014-2016 ay nasa 21 na ang reklamong natanggap ng DTI tungkol sa SUA, labing apat sa mga kasong ito ay na-resolba na umano.

Sa Mayo , inaasahang lalabas na ang resulta ng pagsusuri.

(Rey Pelayo/UNTV News)

Tags: ,