Misting at fog machines, mas pinatatagal ang buhay ng Covid-19 – DOH

by Erika Endraca | October 29, 2020 (Thursday) | 1803

METRO MANILA – Wala pang matibay na ebidensya na nakukuha ang Department Of Health (DOH) na nakakatulong sa pagpuksa ng Covid-19 ang mga fogging at misting machines.

Bagkus magiging paraan pa ito na lalong pagkalat ng pathogens o virus virus dahil sa direktang pag- spray ng disinfectants.

Ayon sa DOH, kasama rin sa hiindi nila inirerekomenda ang paggamit ng fog at misting machines.

“The routine application of disinfectants to environmental suraced by spraying or fogging in indoor spaces also known as fumigation or misting is not recommended for Covid-19.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Dagdag pa ng DOH mas tumatagal ang buhay ng virus kapag ginagamit ng mga ito.

“It can cause harm another thing it can cause aerosolization of the virus. That is meaning po the virus can stay longer in the air if we use this kind of technologie ito pong misting and fogging.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Batay sa inilabas na pahayag ng WHO noong Mayo, maaaring mag-resulta sa skin irritation at problema sa paghinga ng isang taon ang mga misting machines na may disinfectant.

Nakakapagdulot naman ng polusyon sa kapaligiran ang fogging . Maging ang paggamit ng air purifiers at fog machines ay lalong hindi inrerekomendang gamitin sa loob ng tahanan.

“These purifiers and mist machines na nakikita ko po na inilalagay sa mga kuwarto na umiikot at may lumalabas na mga usok iyan po iyong kasama sa sinasabing rekomendasyon ng WHO that it may cause harm, cause more harm than good” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Batid din ng DOH na may mga nagsusuot na rin ng air purifier gadgets nguni’t hangga’t wala aniyang lumalbas na mist o usok sa mga ito ay hindi naman aniya makasasama sa kalusugan ng tao.

“I have observed tinitignan ko mga ka- meeting ko na nagsusuot nito. Wala naman akong nakikitang lumalabas na usok or anything so I don’t know really how it works pero kung sakali s long as we are wearing our masks and tapos wala naman mist na ibinibigay ang ganitong technology i think it’s not gping to cause harm and then wlala naman pobg masama diyan” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Muling paalala ng DOH kaysa sa direktang mag- spray ng disinfectants sa tao, mas maigi aniyang ibabad o i- disinfect mismo ang ibabaw ng mga gamit. Paalala na rin aniya ito sa mga establisyemento na huwag nang gumamit ng misting tents para sa tao.

Paliwanag ng DOH, ang misting tents ay aplikable lang sa mga ospital kung saan ang HCW ay may suot na PPE at dinidisinfect sila sa loob.

Sa bahay, sa pag-disinfect ng mga bagay may tamang sukat at kombinasyon lang ng disinfectants na maaaring idirektang ipunas at ipinalinis sa gamit at hindi para i- spray lang.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,