Missiles defense system, pinalalakas ng Japan kasunod ng missile threat ng North Korea

by Radyo La Verdad | August 14, 2017 (Monday) | 2299

Nag-deploy na ang Japanese government ng battery of Patriot Advance Capability o PAC-3 sa ilang bahagi ng Western Japan kung saan umano dadaan ang ilulunsad na four intermediate range missiles ng North Korea batay sa plano nito.

Noong nakaraang linggo inanunsyo ng komunistang bansa ang plano na padadaanin sa papawiring sakop ng japan partikular na sa Hiroshima, Shimane at Kochi ang missiles bago tumama malapit sa US Pacific Territory of Guam.

Dahil dito, nangangamba ang mga naninirahan sa Japan sa posibilidad na kung hindi man sadyain, ay aksidenteng bumagsak sa bansa ang missiles sakaling ituloy ng Nokor ang paglulunsad dito. Tiniyak naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na ginagawa ang lahat para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Samantala, siniguro naman ni United States President Donald Trump ang suporta ng Estados Unidos sa mga kaalyadong bansa na apektado ng tenyon sa North Korea.

Lumakas ang tensyon sa rehiyon nang magsagawa ang communist country ng nuclear bomb tests noong nakaraang taon at intercontinental ballistic missile tests nito lamang Hulyo na kinondena ng iba’t-ibang bansa sa kabilang na ang Estados Unidos.

 

(Danny Ticzon / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,