Nagbubunyi ang ating mga kababayan sa Planet Hollywood Hotel Las Vegas at maging sa buong mundo matapos tanghalin na Miss Universe 2015 ang pambato ng pilipinas na si Pia Wurtzbach.
Makalipas ang apat na put dalawang taon kinoronahan na Miss Universe ang Pilipinas.
Ngunit, punong-puno ng drama ang panalo ni Wurtzbach.
Napakalaking pagkakamali ang nagawa ng host na si Steve Harvey ng ipahayag nito na si Arianda Gutierez ng Colombia ang nanalong Miss Universe ngayong taon.
Gayunpaman, matapos na maiputong na ang korona kay Miss Colombia sa pagkagulat ng mga manonood sa Planet Holywood sa Las Vegas at ng buong mundo inamin ni Harvey na nagkamali siya at si Wurtzback pala ang nagwagi.
Hindi pa malinaw kung bakit tila nalito ang host sa pag-aanounce ng nanalo pero kaagad siyang humingi ng paumanhin at kaagad na inako ang pagkakamali.
.
Personal na humingi rin ng tawad si Harvey sa mga Pilipino sa pamamagitan ng twitter account nito at sinabing ito ay isang honest mistake.
Dahil dito 1st runner up lamang si Arianda Gutierrez, Miss Colombia habang 2nd runner up naman si Olivia Jordan ng USA.
Unang sumalang sa question and answer portion si Miss Philippines.
Kung saan tinanong sya tungkol sa “kung sa palagay nya ay dapat bang may military presence ang United States sa Pilipinas”.
Sa ikalawang salang ng question and answer para sa final three, tinanong ng parehas na tanong ang mga kandidata at binigyan ng 60 seconds para sumagot.
Tinanong sila kung bakit sila ang dapat na tanghaling Miss Universe 2015.
Nauna rito ay nanguna sa online voting si Miss Philippines para sa swimsuit at evening gown category.
Huling nakuha ni Miss Philippines Maria Margarita Moran ang korona noong 1973.