Minivan na bumangga sa poste sa Bacolod City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | September 24, 2018 (Monday) | 5734

Tatlo ang sugatan nang bumangga ang isang minivan sa poste ng kuryente sa Burgos Extension, Barangay Estefania, Bacolod City pasado alas dose noong Sabado ng madaling araw.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa pasahero na kinilalang si Romar Asada, 33 taong gulang.

Nagtamo ito ng bukol sa kaliwang mukha at gasgas sa kanang hita at kaliwang binti. Ang ibang rescue team naman ang tumulong sa driver ng van at isa pang pasahero.

Matapos lapatan ng first aid ay inihatid na ang mga biktima sa Dr. Pablo O. Torre Memorial Hospital.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari na tumanggi ng humarap sa camera, mabilis umano ang takbo ng minivan at diridiretsong bumangga sa poste. Amoy alak din umano ang driver ng van.

Samantala, dahil sa pangyayari ay pansamantalang naputol ang supply ng kuryente sa lugar at naibalik naman makalipas ang ilang oras.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: ,