Binalaan ni President Elect Rodrigo Duterte ang mga malalaking mining firm partikular na sa Surigao del Norte na tigilan na ang pagsira sa kalikasan.
Kasabay nito ipinahayag naman ng incoming president ang pagnanais na magkaroon ng kooperatiba ang mga pilipinong minero at aatasan niya ang mga ito kung papaano matitigil ang pagsira sa kapaligiran.
Ito rin anya ang dahilan kung bakit hindi niya binigay ang pagiging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources sa kaniyang campaign manager na si Jun Evasco.
Plano ni Duterte na ibigay ang pwesto sa isang retired military na mangunguna sa pagpapatupad ng kaniyang magiging kautusan.
(UNTV NEWS)
Tags: Mining firms