Minimum wage hike sa Metro Manila, aprubado na ng regional wage board

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 3189
Rovic Balunsay/Photoville International
Rovic Balunsay/Photoville International

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages And Productivity Board (RTWPB) ang bagong wage order na karagdagang P15 sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila

Ayon sa Department of Labor and Employment, mula sa P466 kada araw ay magiging P481 kada araw na ang minimum wage ng mga mangagawa sa rehiyon.

Sakop ng bagong wage order ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region (NCR) anuman ang kanilang posisyon, o status of employment.

Ayon sa DOLE, epektibo ang naturang wage increase sa ika-15 ng Abril o 15 working days matapos isapubliko ang kautusan sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.

Pero ayon sa Trade Union Congress of the Philippines, dapat madagdagan ng P136 ang minimum wage para makapamuhay ng maayos ang isang pamilya na may limang miyembro.

Tags: , , , ,