Mini-concert ng WISHcovery finalists sa kanilang hometown tour, magsisimula na sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | February 1, 2018 (Thursday) | 2107

Excited na ang lahat sa pinaka-aabangang grand finals night ng kauna-unahan at pinakamalaking online singing competition sa bansa, ang WISHcovery.

Ngunit bago ito, isa-isang bibisitahin ng WISHful 4 ang kani-kanilang mga bayang sinilangan para sa isang hometown tour. Sa pamamagitan nito magkakaroon ng pagkakataon ang kanilang mga kababayan na personal na makita at marinig ang kanilang mga pambato.

First stop ng WISHcovery team ang Cavite. Sa Lunes, manghaharana sa isang mini-concert ang pambato ng mga Caviteño si Hacel Bartolome. Sa Huwebes naman, Feb. 8, ay magbibigay ng musical entertainment si Carmela Ariola sa kanyang mga kababayan sa Batangas. Sa Feb. 12 naman ay masasaksihan ng live ng mga Bulakenyo ang performance ni Louie Anne Culala.

Samantala, aabangan naman sa entablado ng Camarines Norte ang teen WISHful na si Kimberly Baluzo sa Feb. 15.

Sa ngayon ay inaantabayanan pa ng sambayanan kung sino sa returning WISHfuls ang magwawagi sa wild card edition at makakasama ng WISHful 4 sa grand finals.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,