Mindanao, pinakamaapektuhan ng El nino ayon sa DOE

by Radyo La Verdad | September 14, 2015 (Monday) | 1725

EL-NINO
Nag-uumpisa nang tumindi ang epekto ng el nino sa bansa ayon sa Pagasa at inaasahang tatagal ito hanggang sa susunod na taon.

Ayon sa Dept of Energy, isa sa mga maaaring maapektuhan ng El nino ay ang suplay ng kuryente.

Bagama’t maliit ang tsansa na kulangin ang supply sa luzon, pinaghahanda na ang mga taga mindanao na umaasa sa hydropower plants.

Ayon kay ASec. Zenaida Monsada, sa ngayon ay may sapat pa namang supply ng kuryente ang Mindanao dahil sa patuloy na pagulan doon.

Sa ngayon ay sinisikap ng DOE na madagdagan pa ang supply ng kuryente sa bansa sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan.

Kaya naman hinikayat parin ng DOE ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Sinabi ni USec Monsada na naging matagumpay ang energy saving measures natin noong tag-init kaya naniniwala siyang kaya rin itong gawin ng publiko ngayong umiiral ang el niño .

Ilan sa mga dapat gawin upang makatipid sa kuryente ay ang pagtangal sa saksakan ng mga appliance kapag hindi na ito gagamitin. (Darlene Basingan / UNTV News )

Tags: