Mindanao at Visayas, apektado ng LPA

by Radyo La Verdad | November 14, 2018 (Wednesday) | 5559

Patuloy pa ring nakaka-apekto ang low pressure area (LPA) sa malaking bahagi ng bansa.

Base sa forecast ng PAGASA, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Mindanao, Eastern Visayas at Palawan.

Apektado naman ng northeast monsoon o amihan ang Metro Manila, Central Luzon, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley at Ilocos Region.

Makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, maliit pa rin ang posibilidad na maging bagyo ang LPA.

 

 

Tags: , ,