Nang mahuli ng pinagsanib na pwersa ng PNP Anti Illegal Drugs Group at Philippine Drug Enforcement Agency si LT. Col. Ferdinand Marcelino sa shabu laboratory sa Sta. Cruz Manila natagpuan sa kanyang khaki bag ang iba’t ibang deposit slip taong 2014 at 2015.
Nakapangalan ang mga deposit slip kay Ferdinand Marcelino kung saan ang pinakamalaking deposito ay nasa 500 libong piso noong may 26 sinundan ito ng 200 libong piso noong june 25 ,300 libong piso noong July 31 taong 2014, habang nasa 30 libong piso naman ang pinakamababang deposito noong March 4, 2015.
Ayon kay PNP AIDG Legal and Investigation Division Chief P/CInsp. Roque Merdegia Jr., nagpadala na sila ng request sa Anti Money Laundering Council upang ma-verify at maimbestigahan ang bank account ni Marcelino.
Natagpuan din sa bag ang isang 45 glock pistol, 3 magazine na may live ammunition, mga bank book at iba pa.
Kaya naman, sinabi ni Merdegia na magsasampa pa sila ng dagdag na reklamong paglabag sa R.A. 10591 dahil expired ang firearms registration nito at ang paglabag sa umiiral na COMELEC gun ban.
May 86 thousand pesos cash rin na natagpuan sa bag nito.
Naimbentaryo na rin nila ang laman ng brown wallet nito na may lamang 210 U-S dollar, 2,510 pesos, 15 Australian dollar, 20 Hongkong dollar,
simcard ng satellite phone, 3 BPI card, drivers license, scuba diving I.D, PTCFOR na valid hanggang June 11, 2016, AFP I.D. at Meralco bill.
Habang ang susi naman ng Toyota Camry at 8 iba pang susi ay nakuha sa Chinese na si Yan Yi Shuo na umano’y konektado sa China-South East Asia Regional Drug Network.
Dagdag pa ni Merdegia, sumasailalim na sa forensic digital exam ang telepono ni Marcelino upang magamit bilang corroborative evidence ang anomang impormasyon na makukuha dito.
(Lea Ylagan/UNTV News)
Tags: Lt. Col. Ferdinand Marcelino, PNP AIDG Legal and Investigation Division Chief P/CInsp. Roque Merdegia Jr