METRO MANILA – Hindi na ibebenta sa Kadiwa Stores ang Milyon-milyong Pisong halaga ng mga smuggled na puting sibuyas na nakumpiska ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa ilang warehouse sa Maynila kamakailan.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, labag sa panuntunan ang BOC ang pagbebenta ng mga smuggled na agricultural products.
Bukod dito, nabubulok na rin umano ang mga sibuyas na kanilang nakumpiska.
Dahil dito, target muna ng DA na mailabas ang natitira pang suplay ng sibuyas sa mga cold storage facilities habang paunti-unti na ring nag-aani ang mga magsasaka ngayong Disyembre.
Tags: BOC, DA, Puting Sibuyas, Smuggled