Milyon-milyong COVID vaccines, malapit nang mag-expire; expired na bakuna, tiyak na hindi na gagamitin pa – NVOC

by Radyo La Verdad | April 5, 2022 (Tuesday) | 7842

METRO MANILA – Ipinahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mayroong nasa 27 million na COVID-19 vaccines ang nakatakdang mag- expire sa July at posibleng masayang lang.

Pero ayon naman kay Department of Health (DOH) Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje, ang mga tinutukoy na bakuna ay dumating sa bansa bago matapos ang taong 2021 at nitong buwan ng Enero.

Ngunit ang problema, karamihan ng mga supply ng bakuna ay may short expiry o malapit nang mag- expire

Bumaba ang vaccination rate sa bansa noong bumaba rin ang COVID-19 cases at mga hindi pa nakakapagpa- booster kaya maraming hindi nagamit na COVID-19 vacines.

Iniimbentaryo ng DOH kung ilan pa ang naka- stock na bakuna sa mga storage sa bansa.

Tinyak naman ni Usec Cabotaje na ang mga expired na talaga ay hindi na ginagamit o magagamit pa.

Samantala, plano ng pamahalaan na mag- hire at magpadala ng social mobilizers sa mga rehiyong mababa ang vaccination coverage sa susunod na linggo.

Kabilang dito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 27% lang na fully vaccination rate.

Sa pinakahuling datos ng DOH, 67 million na mg Pilipino na ang fully vaccinated sa bansa.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: