Milk tea na ininom ng dalawang nasawi sa Maynila, negatibo sa nakalalasong kemikal – FDA

by Radyo La Verdad | April 14, 2015 (Tuesday) | 1557

edited-fda
Lumabas sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) na negatibo sa nakalalasong kemikal ang milk tea na ininom ng tatlong tao sa isang tea house sa Maynila noong April 09.

Ngunit paliwanag ng DOH, hindi ito nangangahulugan na tapos na ang kanilang pagsisiyasat sa insidente.

Ayon kay Health Sec.Janette Garin, magsasagawa na rin sila ng pagsusuri sa mga biological samples gaya ng dugo, tissues at ilang gastric contents mula sa mga biktima na makukuha sa autopsy.

Dahil sa pangyayari, oobligahin naman ng DOH ang bawat local na pamahalaan na magpasa ng City Ordinances na nagbabawal sa paggamit ng mga nakalalasong kemikal gaya ng cyanide sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Ang cyanide ay isang uri ng kemikal na pangkaraniwang ginagamit sa paglilinis ng mga silver na alahas.

July 5, 2010, nang magisyu ang DOH at DENR ng isang memorandum na mahigpit na nagbabawal sa illegal na pagbebenta ng unlabeled silver cleaner solutions dahil sa panganib na maaring idulot nito sa kalusugan ng isang tao.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District hinggil sa insidente.

Sa ngayon ay nakausap na nila ang isa sa mga crew ng nasabing milk tea house maging ang anak ng may-ari nito na si Llyod Abrigo.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ng MPD,kung sino ang dapat na managot sa pangyayari.(Joan Nano/ UNTV News Worldwide )

Tags: ,