MILF nakipagpulong sa Kongreso upang hilinging ibalik ang mga probisyong inalis sa panukalang BBL

by Radyo La Verdad | August 11, 2015 (Tuesday) | 1194

IQBAL
Personal na nakipagkita si Bangsamoro Transtion Commission Chairman Mohager Iqbal kay Government Peace Panel Chair Teresita Deles, Ad Hoc Committee on the Bangsamoro Chair Rufus Rodriguez at sa mga Vice Chairman ng kumite.

Nais ng Bangsamoro Transmission Commission na ibalik ang 28 probisyong inalis sa BBL.

Kabilang sa mga kontrobersyal na probisyong nais ibalik ng MILF ay gawing concurrent power ng Bangsamoro ang pagbuo ng sarili nilang internal security at internal military command.

At ibalik sa kanila ang kontrol ng natural resource ng bubuohing Bangsamoro Autonomous Region.

Ayon kay Iqbal hindi katanggap tanggap para sa kanila ang kasalukuyang bersyon ng BBL na nasa House of Representatives

Pinagsusumite naman ni Rodriguez ng paliwanag si Iqbal sa bawat probisyong nasi nilang ibalik at saka nila pag-aaralan kung maaari ba itong ibalik o hindi.

Samanatala sinabi naman ni House Majority Leader Neptali Gonzales na nahihirapan silang kumbinsihing dumalo sa sesyon ang mga kongresista upang ipagpatuloy ang debate sa BBL.

Tatlong linggo nang delay ang deliberayon ng BBL dahil sa kawalan ng quorum.

Nasa 20 pa ang nakapila para sa interpellation at inaasahang mas mahabang panahon ang gugulin ng Lower House sa Period of Amendments.

Tartget ng liderato ng Kamara na matapos ang deliberaston ng BBL bago sisimuan ng Lower House ang debate proposed budget sa September 20.

Aminado ang kongreso na mahihirapan na silang ipasa ito oras na magsimula na ang filing of certificate of candidacy sa Oktubre. ( Grace Casin/ UNTV News)

Tags: , , ,