MILF members na sangkot sa Mamasapano encounter, kakasuhan na sa Lunes

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 2569

DELIMA MAMASAPANO

Nakatakda nang sampahan ng kaso ngayong Lunes ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sangkot sa Mamasapano encounter.

Ito ay kasunod ng national address kung saan inihayag Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na 35 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang pinatay ng MILF rebels sa Mamasapano,

“Now that the conversation about this alternative matter is done, the process of justice, especially for the fallen, can continue. At present, there are 90 individuals who will face fair and thorough procedures for the murder of the 35 Commandos of the 55th Special Action Company, which is part of the SAF,” pahayag ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, ang 90 suspek ay kinabibilangan ng MILF, BIFF at private armed group.

Dagdag pa ng kalihim,ihaharap na nila sa Lunes ang mga kaukulang kaso at ebidensya sa National Prosecution Service (NPS).

Malaki ang tiwala ni De Lima na matibay ang kaso dahil na rin sa mga testigong makapagpapatunay na sinadyang patayin ng ilang MILF ang 35 na SAF commandos bagamat alam ng MILF na ‘friendly’ force ang naturang mga commando.

Tags: , , ,