MILF combatants, tiwalang maganda ang kalalabasan ng pagtatatag ng Bangsamoro Government

by Radyo La Verdad | June 16, 2015 (Tuesday) | 4734

2
Tiwala ang Moro Islamic Liberation Front na maganda ang ibubunga ng pagsosoli ng armas at Decommissioning sa mga combatants upang maaprubahan ang panukalang Bangsamoro Government.

Ayon sa isa sa mga na-decommissioned na si Jacob Palao, Deputy Head for Operation Department ng MILF, noong una ay hindi siya sang-ayon sa pagbababa ng armas, ngunit sa huli ay nakumbinsi rin siya.

Umanib si Palaosa MILF noong 1974 at mayroon na siya ngayong walong anak.

Ngayon ibig na lamang niyang magnegosyo para sa ikabubuhay ng kanyang pamilya.

Ang mga dadaan sa proseso ng Decommissioning ay makatatanggap ng Philhealth Card at 25 thousand pesos cash assistance bawat isa

bukod pa ito sa pinaplano ng OPAPP at iba pang ahensya ng pamahalaan na Socio Economic package para naman sa pangkabuhayan ng pamilya ng MILF Combatants na sumailalim sa Decommissioning process.

Tags: ,