Inamin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief peace negotiator Mohagher Iqbal na tumatanggap siya ng sweldo mula sa gobyerno.
Galing ang kanyang sahod sa pagganap niya ng tungkulin bilang chairman ng Bangsamoro Transition Commission na siyang bumalangkas ng proposed Bangsamoro Basic Law.
Ang Bangsamoro Transition Commission ay itinatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 120 na ipinalabas ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Iqbal, lumalabas na sakop ng Office of the President ang transition commission na pinaglaanan naman ng budget mula sa national government.
Pero tikom pa rin si Iqbal hinggil sa tunay nitong pangalan. Aniya, hindi na dapat halungkatin pa ang kanyang personal background bagkus ay magtiwala na lamang publiko dahil 17 taon na silang nakikipagnegosasyon sa pamahalaan.
Tags: Bangsamoro Basic Law, Bangsamoro Transition Commission, Executive Order No.120, MILF, Mohagher Iqbal