MILF Chief Negotiator Iqbal nagpaliwanag sa paggamit ng ibang pangalan

by Radyo La Verdad | April 13, 2015 (Monday) | 4411
File photo
File photo

Chief Negotiator Mohagher Iqbal sa paglagda sa Draft ng Peace Process.

Ayon kay Senador Ferdinand Marcos JR., nakakawala ng tiwala kung hindi alam ang tunay na pagkakakilanlan ng ka-negosasyon.

“The use of a Nom de Guerre is normal in a revolutionary organization. When the BBL pass by Congress and then it would be ratified by people it would be implement then that would be the time that everything normalize and we can disclose everything our identities. We can disclose that but this point in time I request this honorable body not to compel me to disclose my identity,but is still meet half way, Government knows my identity” pahayag naman ni Bangsamoro Transition Commission Chairman Mohagher Iqbal

Sinabi naman ni Secretary Teresita Deles at Professor Miriam Coronel-Ferrer naalam ng pamahalaan ang tunay na pangalan ni Iqbal.

Naniniwala naman si Senador Francis Escudero na dapat tunay na pangalan ang gamitin ni Iqbal kung ito’y nagbabayad ng buwis at may bank accounts.

Tinanong rin ng senador kung alam ng AFP Chief of Staff ang tunay na pangalan ni Iqbal, sagot ni Gen. Gregorio Catapang hindi niya alam ang tunay na pangalan ni Iqbal.

Nahayag rin sa hearing na tumatanggap ng sahod mula pamahalaan si Iqbal bilang Chairman ng Bangsamoro Transition Commission gamit ang kanyang alias.

Halos syento por syento ng mga miyembro ng MILF ay hindi tunay na pangalan ang ginagamit.

Ayon naman kay Senador Franklin Drilon, ang paggamit ni Iqbal ng “Nom de Guerre” sa pagpirma ng Peace Agreement ay walang batas na nilalabag.

Katunayan, kahit ilang senador ay gumagamit ng alias sa pagpirma ng Official documents, Committee reports at bills.

Ginawang halimbawa nito sina Senador Jinggoy Estrada na ang tunay na pangalan ay Jose Pimentel Ejercito at si Ramon Bong Revilla JR na ang tunay na pangalan ay Jose Marie Mortel Bautista.

Magsusumite naman sa Komite ng posisyon ang Department of Justice sa nasabing isyu.

Kanina tinalakay rin ang pag-aamyenda sa ceasefire mechanism ng pamahalaan upang di na masyadong magtagal ang pagreresponde tuwing may bakbakan ang government forces sa pagitan ng mga rebeldeng grupo.

Inimbitahan naman ng Komite sa susunod na pagdinig ang Department of Foreign Affairs upang matanong kung ano ang pangalan ng ginagamit ni Iqbal sa kanyang pasaporte. Hinihingi rin ng Senado ang ilang dokumento na magpapatunay na tumatanggap ng sahod si Iqbal sa pamahalaan gamit ang di tunay na pangalan. ( Bryan de Paz/ UNTV News Senior Correspondent)

Tags: , , , , , , ,