Nangangamba na ang government at MILF Peace Panel sa kakulangan ng quorum sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Kaya naman maraming mahahalagang panukalang batas gaya ng Bangsamoro Basic Law ang patuloy na nabibinbin.
Bunsod nito, naglabas ng open letter ang mga nagsusulong ng BBL sa pangunguna nina Government Peace Panel Chairman Prof. Miriam Coronel – Ferrer at MILF Peace Panel Mojager Iqbal.
Nakasaad sa sulat na ang naturang panukala ang magdadala ng kapayapaan sa matagal nang kaguluhang nararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Binigyang diin dito na ang pagsasasabatas ng BBL ay magreresulta sa pagsuko ng mga rebeldong grupo at libo-libong armas.
At dahil dito, mahahadlangan din ang mapasok ng mga extremist group sa mindanao gaya ng isis.
Partikular na nakikiusap ang grupo sa mga liderato ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso at sa mga kumiteng may hawak sa bbl na agaran na itong ipasa.
Mayroon na lamang tatlong linggo ang kongreso bago ang session break sa Dec.17 ngunit simula noong nakaraang Lunes ay hindi parin napaguusapan ang BBL sa lower house dahil sa kawalan ng quorum.
Sa kasalukuyan, ang BBL ay nakasalang pa rin sa period of interpellation and debate sa House of Representatives at may mahigit 10 kongresista pa ang nakatakdang kumwestion sa nilalaman ng panukalang batas.
Samantala, Senado naman ay nakabinbin rin sa period of interpelation ang version nitong Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region.(Grace Casin/UNTV Correspondent)
Tags: BBL, government peace panel, MILF