Mighty Corporation, handang magbayad ng P3-billion sa gobyerno – Sec. Aguirre

by Radyo La Verdad | March 16, 2017 (Thursday) | 1637


Nakahandang magbayad ang Mighty Corporation ng three-billion pesos na buwis sa pamahalaan kaugnay ng isyu sa pekeng tax stamps sa kanilang cigarette products ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre The Second.

Paliwanag ng kalihim, sumulat na ang naturang kumpanya kay Pangulong Rodrigo Duterte at nagsabing handa silang sundin ang anomang proseso dahil gusto na nitong maibalik ang kanilang operasyon.

Pinapayagan naman aniya ito sa ilalim ng tax code ngunit kailangan munang masampahan ng tax evasion case ang kumpanya bago ito makipag-bargain sa pamahalaan.

Ang hiling lamang ng Mighty Corporation ay gawing installment ang pagbabayad nila ng excise tax liabilities.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na ng NBI ang kaso laban sa kumpanya at inisyuhan na rin ng Department of Justice ng look out bulletin order ang iba pang opisyal ng Mighty Corporation.

Tags: , , ,