Isang micro financing program na tinatawag na Pondo para sa Pagbabago at Pag-asenso o P3 ang ilulunsad ng Department of Trade and Industry.
Ito ay ayon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipalit sa ‘5-6’ money lending system.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ito ay mayroon lamang maliit na interest rate upang maging abot-kaya sa mga mayroong maliliit na negosyo.
Pangunahing matutulungan ng programa ang micro-entrepreneur, argi-businessmen, tindera sa palengke at miyembro ng mga kooperatiba.
Mayroon itong inisyal na pondo na isang bilyong piso na magmumula sa national budget.
Una itong ilulunsad sa tatlumpung pinakamahihirap na probinsya sa bansa.
Tags: ilulunsad ng DTI, Micro-financing kapalit ng ‘5-6’ lending scheme