MIAA, pinag-iingat ang mga tauhan at pasahero laban sa banta ng COVID-19 Flirt Variant

by Radyo La Verdad | May 29, 2024 (Wednesday) | 3037

METRO MANILA – Pinag-iingat ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga tauhan at pasahero laban sa banta ng COVID-19 Flirt variant.

Sa opisyal na pahayag, inatasan ni MIAA General Manager Eric Jose Ines ang mga tauhan nito na isama sa housekeeping ang pag-disinfect ng mga bagay o lugar na madalas nahahawakan o may exposure sa mga pasahero.

Kabilang na rito ang check-in counters, counter tops ng immigration at plastic trays na ginagamit para sa final screening ng luggage at kagamitan ng mga pasahero.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga food concessionaire na magsagawa ng disinfection sa kani-kanilang lugar lalo na ang mga lamesa para sa mga customer.

Pinaigting din ng Bureau of Quarantine ang pagbabantay sa mga pasaherong papasok ng bansa.

Tags: ,