METRO MANILA – Naghahanda ang mga awtoridad sa paliparan para sa inaasahang dami ng mga biyahero sa darating na holiday season.
Iniulat ni Bryan Co, Officer In Charge ng Manila International Airport Authority (MIAA), na umabot na sa 140,000 ang mga biyaherong dumadaan araw-araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) .
Inaasahan nila na tataas pa ito sa 145,000 simula ngayong araw ng Biyernes December 22 hanggang sa Sabado December 23
Pagtitiyak ni Co sa publiko na handa ang MIAA sa paglakbay ngayong long holiday, at binigyang-diin ang kanilang pangako na tiyakin ang maginhawang karanasan sa paglalakbay para sa lahat ng mga biyahero.
Dagdag pa nito, inanunsyo ng miaa ang kanilang plano na palakasin ang pagbibigay impormasyon upang maprotektahan ang mga biyahero laban sa maling gawain, lalo na sa usapin ng mga pekeng singil sa taxi.
Tags: MIAA, NAIA, Passengers