METRO MANILA – Sinimulan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) katuwang ang power distributor nito na MERALCO ang electrical audit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Biyernes.
Ayon kay MIAA officer-in-charge Bryan Co, kapag natapos ang isinasagawang pag-a-audit ay matutukoy ng MIAA ang iba’t ibang kagamitan na kailangang i-upgrade, i-rehabilitate o bilhin para sa pagpapatibay ng power system ng NAIA Terminal 3.
“Yes, kailangan naming bumili o mag-lease ng additional generators and we are discussing with stakeholders and that’s the time na ma-determine kung magkano ang kailangang budget.” ani Co.
Dagdag pa ni Co na inaasahang matatapos ang audit sa loob ng 3 Linggo.
(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)