MH17, pinabagsak ng Russian missile – Dutch Safety Board

by Radyo La Verdad | October 14, 2015 (Wednesday) | 1305

MH17
Inilabas na ng Dutch Safety Board ang findings nito sa imbestigasyon sa nag-crash ng Malaysian passenger plane sa Eastern Ukraine noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ayon sa Dutch Safety Board na binaril kaya bumagsak ang MH 17 na ikinasawi ng 298 pasahero nito noong July 17, 2014.

Naniniwala ang mga eksperto at western government na maaring napagkamalan ng mga rebelde ang eroplano na Ukrainian military plane kaya binaril ito gamit ang Russian-made missile.

Gayunman, may alternatibong teorya ang Moscow na maaring pinabagsak ito ng Ukrainian fighter o ng Ukrainian forces.

Ipi-presenta ngayong araw ni Saftety Board Director Tjibbe Joustra ang kanilang findings sa mga pamilya ng mga biktima bago ihayag sa media.

Tags: , ,