MGB, patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng pagbaha sa Marikina at San Mateo, Rizal noong Agosto

by Radyo La Verdad | September 25, 2018 (Tuesday) | 18810

Lubhang madami ang ibinuhos na ulan ng habagat dahilan upang bumaha sa mga bayan ng Marikina at San Mateo Rizal noong Agosto base sa isinagawang geohazard mapping ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region 4A.

Ngunit hindi rin anila maiaalis ang posibilidad na may kinalaman din ang quarry operations sa pagbaha kaya patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Nangangamba naman si Barangay Chairman Edgar Sison na bagaman sarado ang Montalban Millex ay samantalahin naman ito ng mga illegal quarry operators.

Ngayong madalas ang mga pag-ulan lalo na sa hapon sa San Mateo Rizal, tigib ng pangamba ang mga residente kaya doble ang kanilang ginagawang pag-iingat at pagmomonitor sa kanilang lugar sa maaring pagbaha.

Samantala, may mga proactive action na umanong ginagawa ang Rizal Provincial Enviromental and Natural Resources Office sa mga landslide prone area sa Rizal upang mabigyan ng tamang aksyon at impormasyon ang mga taong malapit sa mga lugar na ito.

Nangangamba rin ang mga residente na baka sapitin din nila ang magkasunod na landslide sa Itogon, Benguet at City of Naga, Cebu.

 

( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,