METRO MANILA – May panibagong protocol ang pamahalaan kaugnay ng pagtugon sa Covid-19 cases sa bansa. Batay sa klasipikasyon ng World Health Organization (WHO), hindi na kailangan sumailalim sa Covid-19 testing at quarantine ang mga galing sa mga bansang mababa ang kaso ng Covid-19 lalo na kung asymptomatic ang mga ito.
“Maaari na kapag dumating ang mga OFW’s dito maaari nang hindi na muna i-test, maaari namang sila ay magkaroon lang, magcomply ng minimum health standards, they can go back to their provinces.” ani DOH Spokesperson, USec. Maria Rosario Vergeire.
Ngunit ayon sa DOH, kailangan pa ring masunod ang health standards at symptoms monitoring pagdating ng isang Pilipino sa destinasyon nitong lugar sa bansa.
Kapag nakarating naman ang mga returning OFW sa kani- knaiyang bayan ay ang mga local government units na ang nakatalagang mag- monitor sa kanilang kondisyon at i- test kung kinakailangan
Ayon pa sa DOH, may mga batayan din ang LGU’s kung sakaling domestic traveller ang pupunta sa kanilang lugar .
Kailangan din aniyang sumailalim sa testing at quarantine ang isang indibidwal na manggagaling sa lugar na mataas ang kaso gaya ng sa National Capital Region.
“But, whatever the local governments would require for them to enter into their province, thay have to comply. So halinbawa po, dumating ang isang ofw, tapos siya siya ay galing sa isang low-prevalance area, maaari po na isi-symptom check,” ani DOH Spokesperson, USec. Maria Rosario Vergeire
Samantala, 1, 640 ang naitalang bagong kaso ng Covid-19 kahapon. Ito ang pinakamababang kaso sa loob ng isang araw ngayong Oktubre.
Sa kabuoan, pumalo na sa 360, 775 ang Covid-19 cases sa bansa , 43, 443 dito ang active cases 6, 690 naman ang total reported deaths habang umabot na sa 310, 642 ang covid-19 survivors sa Pilipinas.
(Aiko Miguel | UNTV News)