Mga unregistered insecticide na ibinebenta sa Divisoria, kinumpiska

by Radyo La Verdad | August 13, 2015 (Thursday) | 1751

ecowaste
Kahon kahong unregistered insecticide ang kinumpiska ng Manila City Health Office sa Divisoria.

Nagkalat dito ang mga ganitong uri ng spray insecticide at katol na galing China at naipagbibili lamang sa murang halaga

Ayon sa Manila City Health Office, hindi nakapag comply ang mga naturang produkto sa standards ng Food and Drug Administration kung kaya’t maituturing itong ilegal at hindi ligtas gamitin.

Subalit ang problema, ayaw umamin ng mga nagtitinda kung saan nakuha ang mga insecticide.

Anila, ibinabagsak din lamang ito sa kanilang kanilang supplier.

Ayon naman sa mga nakabili, hindi raw nila alam na bawal ito at dahil sa baba ng presyo kaya sila nahikayat subukan

Base sa mga natanggap na reklamo ng Manila City Health Office, lahat ng gumamit ng naturang insecticide ay nahilo, nagsuka at sumakit ang tiyan

Ayon sa Ecowaste Coalition, may sangkap na cypermethrin ang mga unregistered insecticide na nakasasama sa kalusugan ng tao at maging sa hayop

Napatunayan rin na kapag nalanghap sa loob ng matagal na panahon ang cypermethrin maaari itong makapansila sa d-n-a ng mga vital organ gaya ng utak, atay at kidney
plano naman ng Manila Health Office na ibaon na lang sa mga sementeryo ang mga naturang insecticide. (Mon Jocson / UNTV News)

Tags: ,