Mga unibersidad at pribadong kolehiyo, hinikayat ng DepEd na mag-alok ng senior high school

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 1780

UNIVERSITY

Hinimok ni Department of Education Secretary Armin Luistro ang mga unibersidad at pribadong kolehiyo na magbukas ng kanilang silid-aralan para makapagturo ng Grade 11 at 12.

Ayon kay Luistro, maaaring maturuan ng mga college instructor ang mga senior high school student.

Aniya, 80% na ng mga pamantasan na kanilang nakausap mula pa noong 2010 ang nagpaalam na sa kagawaran na makapag-alok na makapagturo ng senior high school.

Samantala, itinanggi ni Luistro na libo-libong guro ang mawawalan ng hanap-buhay dahil sa K-12 program. Sa katunayan, nangangailangan pa ng mahigit 30,000 guro ang DepEd.

Muli naming tiniyak ni Luistro na sapat ang bilang ng silid-aralan at libro para sa mga estudyante sa pagsisimula ng implementasyon ng K-12 program.

Tags: , , , ,